
Ang hugis ng pansit at chopsticks ay pahaba. Sa totoo lang, napakahilig ko sa pansit. Kahit yan lang ang pagkain ko sa araw-araw, okay na! Hehe
O tara, kain na! =)
Maligayang Huwebes!

Ang hugis ng pansit at chopsticks ay pahaba. Sa totoo lang, napakahilig ko sa pansit. Kahit yan lang ang pagkain ko sa araw-araw, okay na! Hehe
O tara, kain na! =)
Maligayang Huwebes!
by Jeanny, on April 24 2008 @ 12:51 am
ako din mahilig sa pansit. kahit walang lahok…basta madaming gulay. kahit yan lang araw araw kainin ko solve na ako….
nagutom tuloy ako kaso mag a-ala una na…dapat na yatang matulog at bukas na lang hehehhe….
maligayang LP
by Kaje, on April 24 2008 @ 1:02 am
di ba kaya daw singkit ang mga chinese dahil laging pansit ang pagkain??? “ano pansit na na naman??!!?” nagbibiro lang po
paborito ko din kumain ng pansit pero hindi po singkit
gandang huwebes!!!
by julie, on April 24 2008 @ 1:34 am
Sarap naman nyan! Hay, makatulog na nga, ginugutom ako, hihihi!
by Joy, on April 24 2008 @ 6:06 am
Mahilig din ako sa pansit. Dami din naman kasing klase ng pansit kaya’t hindi nakakasawa.
Magandang araw!
by Lizeth, on April 24 2008 @ 7:12 am
ang sarap naman kasi ng pansit na yan e! kagutom tuloy! di pa ko nag-aagahan
by lidie, on April 24 2008 @ 8:20 am
paborito ko talaga ang pancit! ito at ang chopsticks ay parehong mahaba!
magandang huwebes sa’yo!
by lino, on April 24 2008 @ 9:26 am
ako rin medyo mahilig sa pansit, paborito ko ngayon yung nissin’s yakisoba na spicy chicken ang flavor…
by Linnor, on April 24 2008 @ 9:28 am
masarap nga ang pansit.
bihon naman ang paborito ko. at kung minsan, masarap din yung pansit canton na nabibili sa maliit na pakete.
by Girlie, on April 24 2008 @ 12:13 pm
ako din mahilig sa pansit, so pede ba tayo magshare? parang di ko pa natitikman yung ganug klaseng pansit.
by iris, on April 24 2008 @ 1:30 pm
uy pareho kayo ni kaje ng entry
good one.
by iska, on April 24 2008 @ 5:59 pm
ako din – batang pansit hehehe
muntik ng pansit din na chinapstiks ang litrato ko kundi ay pareho tayo
by Buge, on April 24 2008 @ 6:27 pm
Paborito ko din ang pansit. Lalo na yung medyo maanghang na yakisoba. Nalala ko tuloy ang Kwey Chow (sp?) sa Rasa Singapura! Nakakagutom!
Maligayang Huwebes!
by yvelle, on April 24 2008 @ 7:02 pm
yakisoba ba ito? wow!!! ang sarap!!! favorite ko rin yan.. namiss ko rin ang fried prawn mee suntec city. hay..have a nice day!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-4-hugis-ay-pahaba.html
by mousey, on April 24 2008 @ 8:47 pm
pahingi rin ako ng pansin. pero walang chopstick kasi di ako nakakarami dyan heheh..
by Meeya, on April 24 2008 @ 11:36 pm
sa totoo lang, mas nauna pang natutong kumain ng pansit ang anak ko kesa sa mga kanin at ulam hehe. napaka-authentic naman ng pic, lalo na at kasama ang authentic na chopsticks.
maligayang huwebes!
MyMemes: LP Pahaba
MyFinds: LP Pahaba
by weng, on April 25 2008 @ 2:48 am
nakakatuwa at dalawa kayong mag-kasunod na pancit na napuntahan ko ngayon. si kaje ang una kong nadalaw at ikaw nama’y pangalawa.
nagugutom na naman yata ako.
Mga Pahaba sa Dallas
Mga Pahaba sa Houston
by Clicking Away, on April 25 2008 @ 2:53 am
Wow, kahit ako mahilig sa pansit… huwag lang bihon. Ang sarap naman ng entry mo…buti ka pa may chopsticks pag kumakain niyan…ako tinidor lang.
by kaye, on April 25 2008 @ 6:38 pm
paborito ko din ang pansit! mabubuhay din akong iyan ang kinakain sa araw-araw. hehehe. nakakagutom ang iyong entry ngayon. gusto ko na tuloy umuwi at kumain ng hapunan.
magandang araw!
by Grey, on April 25 2008 @ 7:19 pm
Ang sarap naman yan! Ewan ko kung bakit pag ginagamit ko ang chopstick para kumain ay para bang mas lalong sumsarap ang pagkain sa akin.. heheh
parang yakisoba yan ah!
mmmm.. masarap ang mga noodles na pagkain! maligayang LP!
by Pinky, on April 25 2008 @ 10:01 pm
Okay yan – hahaba ang buhay mo, kapatid!
Magandang Biyernes sa iyo!
by alpha, on April 25 2008 @ 10:23 pm
yum, ang sarap naman nito..
by eli, on April 26 2008 @ 7:22 pm
ayaw mo na ng kanin ha! hehe sabagay masyadong mahal ang bigas ngayon.
by vk, on May 7 2008 @ 3:10 am
appear ako dyan……….2 na tayo, kahit paanong pagka loto basta pansit-noodles?
ok na ako………
pag mag-meet tayo, punta tayo sa noodles house, ok?
contest tayo ng kainan, ang talo ang magbayad….lol
no, invite kita……promise ito….
take care, sasha
God bless