The Correspondents: Batchoy (A very long post)
By creye on Oct 1, 2008 in Entertainment watchdog, Family Matters, Featured
I need to rant in Tagalog. I hope my non-Filipino visitors will indulge me…
This is in relation with the episode shown tonight by The Correspondents. This is a local news and current affairs show from ABS-CBN. The episode tonight was Batchoy, leftover food thrown in the garbage already by fastfood chains but are taken by garbage collectors for the purpose of “recycling” the dirty food.
Okay, here is my rant now.
Yung babae dun na sinamahan ni Dominic Almenor sa totoo lang nakaka-bother siya. Naka-lipstick, may mga silver jewelries pa, ayos na ayos ang hitsura. Yung bahay may malaki pang tv, may component pa, maayos na maayos din kung titignan mo. Tapos parang proud pa siya na Batchoy ang pinapakain niya sa mga anak niya! Sarap kaltukin ng ulo!
Sa mga di nakakaalam, let me tell you what Batchoy is. Actually, nasulat ko na ito sa blogspot blog ko noong November 2006. Ang Batchoy ay mga tira-tirang pagkain na galing sa mga fastfood chains na itinapon na. Tapos kukunin ng mga magbabasura para ihiwalay ang mga may laman pa at sa tingin nila ay pwede pang kainin. Pagkatapos i-segregate yung mga pwede pang kainin, ilalako iyon. Lulutuin ng mga bumili para gawing ulam. Ang isang plastic bag ng Batchoy ay 45pesos kung malaman at 25pesos naman kung di gaano.
In all honesty, I have nothing against those people who buy these Batchoy. I know how hard life is right now and if it’s the only way for families to eat, who am I to bitch about it? What I just find disturbing ay yung parang proud pa yung nanay na sabihing masarap naman yung Batchoy. May pambili siya ng hikaw, singsing, lipstick pero matinong pagkain sa mga anak di kaya??? May pambili ng tv at component pero yung tamang pagkain inaasa sa basura??? Ni hindi man lang sinabi na nagwo-worry nga siya kasi baka malason or magkasakit ang mga anak niya. Hay.
Minsan yan ang nakakainis sa mga “mahihirap” nating kababayan. Naisip ko na naman tuloy yung problema natin sa growing population, birth control at poverty. Kasi related dito sa Batchoy eh. Kung sarili lang nila ang pakakainin nila, di nila kailangang umasa sa Batchoy. Kaso mo, maraming mga anak na kailangang pakainin.
Let me just incorporate here my rant about dun sa mga pamilyang panay ang reklamo kasi ang daming anak na pinapakain o pinag-aaral… Sabi ko nga, if I were a priest or someone from the government, I would ask these questions again and again to Filipinos in general…
Bago mag-asawa dapat itanong muna sa sarili nila kung kaya ba nilang pakainin sarili nila mismo ng 3 beses isang araw.
Kung no ang sagot, wag mag-asawa nang padalos-dalos! Or wag mag-asawa period! Until a change in the circumstances in your life will tell you to go ahead and marry. Kung yes ang sagot, mag-isip uli ng isang libong beses…
Kaya ko pa bang magpakain ng isa pang bibig?
Kung no ang sagot, wag agad mag-anak. Mag-family planning! Mag-contraceptives! Kung yes ang sagot, mag-isip uli…
Ask yourself: Sa tingin ko ba kaya kong pakainin at pag-aralin ang magiging anak ko? Ilan bang bibig pa ang kaya kong lagyan ng laman? Kung mawalan kaya ako ng trabaho, may maisusubo pa rin kaya akong pagkain sa bibig ko at sa mga bibig na aasa sa akin?
Kung no ang sagot, alam mo na ang gagawin mo. Please lang, wag ka ng magkalat pa ng lahi! Kung yes ang sagot mo, mag-isip ka pa rin nang maigi.
Gusto mo ba talagang makadagdag pa sa population problem ng bansa? Gusto mo bang makuba kapapakain at kapapaaral ng mga anak mo?
Oo masaya ang malaking pamilya pero isipin mo na lang, sa hirap ng panahon ngayon, gusto mo bang danasin ng anak mo ang hirap? Kung clairvoyant ka at nakita mong in the near future ay tatama ka sa lotto or magtatamasa ka ng maraming pera, then go ahead and multiply! Pero kung mag-aanak ka ng 3-pataas, tapos kung di mo na mapakain isisisi mo pa sa gobyerno o sa simbahan kasi di ka tinuruan gumamit ng condom… please lang, wag na mag-add pa sa pamilya. Ang daming kapitbahay naming lumaki yung mga anak na hindi halos napag-aral ang mga anak. Mga hindi nag-isip at basta mairaos lang ang init ng katawan sige na lang nang sige! Parang factory na ng bata ang mga bahay sa dami ng anak. Tapos dahil mahirap na from the onset, nagdagdag ng maraming anak, lalong maghihirap. Wala halos maipakain sa mga anak. Di kayang pag-aralin. Tapos isisisi sa gobyerno ang kahirapan. Tapos dahil walang maipakain, iaasa sa Batchoy.
Yung Batchoy, according to tests done to it, contains E. coli. Maaaring matibay talaga ang mga tiyan nung mga kumakain. Pero paano kung isa sa mga araw na ito may madali na ng sakit? May lason pala yung basurahan na kinalagyan ng Batchoy at nakain ng bata?
Wag sanang maging ganon ang mga nanay katulad nung napanood kong babae kanina. Ni hindi man lang nahihiya sa mga anak niyang isinilang dito sa mundo na ang pinapakain niya ay basura ng pagkain. Sana mag-isip muna yung mga single women dyan or yung mga pwede pang manganak. Basahin niyo yung mga tanong ko sa itaas at please lang, mag-isip nang mabuti!





Raquel | Oct 2, 2008 | Reply
Very interesting and what I long post indeed. But let me comment about “Bago mag-asawa…” Ito ang problema satin kase may laman na agad ang tyan dahil nag-aasawa. Bihira ng mag-asawa ngayon na hindi buntis ang babae.
Ang problema din sa atin, parents are not teaching their children how to live independently. Dapat sana, pag tapos na sa pag-aaral ay set them free na. What I mean is, if they want to live (children) on their own way, aalis na sa bahay.
Oh btw, I like batchoy. It’s very popular in CDO.
PS: Manay, let us push through your vacation in CDO, kahit 3 days lang. Oks lang ba sau? I can make a 3 day itinerary at marami ka ng mapupuntahan within Mindanao area such us Camiguin Island, Iligan City, Bikidnon and around CDO…mag rafting din tau. What do you think?
Raquels last blog post..Diet, Exercise, and Losing Weight
lalaine | Oct 2, 2008 | Reply
Raquel Says:
October 2nd, 2008 at 12:14 am
Very interesting and what I long post indeed. But let me comment about “Bago mag-asawa…” Ito ang problema satin kase may laman na agad ang tyan dahil nag-aasawa. Bihira ng mag-asawa ngayon na hindi buntis ang babae.
I agree! bihira na ang nagaasawa ngayon ng walang laman ang tyan… kaya automatic na dagdag na sa population problem yun. ang masama pa nun eh nagkamali na sa una eh susunod sunurin pa ang pag-aanak kaya ayun at napipilitan pakainin ng mga pagkaing galing sa basura…. hay! nasa tao din naman ang solusyon para maging maayos ang pinas eh… ang problema eh ultimo maliit na bagay eh isinisisi sa gobyerno…
yun lang… :D.
Pauline | Oct 2, 2008 | Reply
I was able to watch that also and naawa ako. Ang natapos ko lang mapanood ay yung they were segregating the batchoy. I was not able to see the house of the workers.
Anyways, my opinion in this post…I totally agree with everything you said. Kaya nga kami, isa lang ang anak.
One of my advisers told me, if someone tells me na I should have more kids, they are not my real friends at all because they wanted me to suffer! Seriously, it is hard to raise a child.Isa pa nga lang ang hirap na eh.Besides, it is not just the food that we have to put on the table but everything. It is a big responsibility.
Paulines last blog post..Slum Note: Things you can about me
Adie | Oct 2, 2008 | Reply
@Raquel…
Tama ka, manay. Ganyan na lagi ang sitwasyon sa atin talaga. May laman na ang tiyan kaya kahit hindi pa ready sa pag-aasawa, sige na lang, pakakasal na.
Yan nga ang next post ko eh. About living independently. Sa atin may mga anak na nakapisan pa sa magulang. Kaya in the process, imbes na matutong magsarili, nakasandal pa rin sa magulang.
Yun tunay na Batchoy masarap talaga. Pero yung Batchoy sa palabas, basura na!
Cge manay! Nakaka-excite naman! Kelan ba yan ha? Go ako!
Adie | Oct 2, 2008 | Reply
@Lalaine…
Totoo yan. Nakakainis na rin talaga kasi imbes na gumawa ng paraan para mabago ang isang bagay, mas ninanais pa ng mga kababayan nating mahirap na manisi na lang at hintayin ang biyaya ng nakahiga. There are so many ways for them to rise above their station in life pero nauuna pa kasi pag-atungal madalas bago sa gawa.
Adie | Oct 2, 2008 | Reply
@Pauline…
I had a staff before na 1 lang ang anak. Whenever I ask her why she doesn’t want another kid eh ang sinasabi lagi kasi mahirap ang buhay. 2 na sila ng hubby niya na nagwo-work nun pero talaga ayaw na mag-anak pa uli. Practical siya kasi alam nyang mahirap magsimula uli from scratch with another kid. Tama yung adviser mo. Masaya nga ang malaking pamilya pero bago yung saya, sandamak na hirap muna. Paano kung puro hirap lang pala di ba?
shiela | Oct 8, 2008 | Reply
Nakakaawa na nakaka buwiset yung Nanay. Sa barrio namin back home maraming ganyan. Na akala mo me hepatitis sa dami nang alahas tapos wala man lang pang pakain sa anak. Hay buhay!!!
Dito naman sa UK. Maraming walang anak kahit hindi sila naghihirap. Ang rason mawawalan sila nang kalayaan. Ang buhay nga naman no?
shielas last blog post..Medical Checkups